Child actor, malaki ang tampo kay Coco Martin!

Child actor, malaki ang tampo kay Coco Martin!

December 1, 2020 @ 7:19 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Sobrang pinsala ang inabot ng award winning child actor na si Kenken Nuyad sa bagyong Rolly, to the point na nagmakaawa na siya sa paghingi ng tulong sa sinoman.

Sinabi ni Kenken na nagka-trauma siya sa bagyong Rolly dahil ang bubong nila ay nasira. Umabot kasi hanggang sa bubong ang baha sa kanila sa Montalban, Rizal, at muntik silang maanod ng baha.

Silang magkakapatid ay nakisilong lang daw sa kapitbahay nilang may third floor samantalang ang parents niya ay nasa bubong ng kanilang bahay.

Kaya labis ang pasasalamat ni Kenken nang nagpadala ng tulong ang Dabarkads na si Maine Mendoza sa kanilang lugar. Ito ang nasa FB post ni Kenken: “Salamat ate Maine Mendoza sa pagtulong sa mga kabitbahay ko, more blessings po at stay safe po. Sana magka-work po tayo, salamat po ng marami.”

Taliwas naman ito sa nabanggit ni Ken na may himig ng tampo sa bida ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na si Coco Martin. Nagkasama sina Coco at Kenken sa naturang serye ng ABS CBN.

Saad ni Kenken nang nakapanayam namin, “Si Direk Coco po, nakalimutan niya ‘ata ako…

“Alam na naman po ata nila nangyari po sa amin kaya lang hindi talaga nagparamdam.

“Taga-GMA-7 lang po ang tumulong sa amin…sina dadi Direk Louie (Ignacio), kuya Paolo Contis po…

“Nagpapasalamat po ako na marami sa nagmamahal sa akin, lubos po ako nagpapasalamat sa GMA Public Affairs at sa ‘Unang Hirit,’ na-interview po nila agad ako.”

Dagdag pa ni Kenken, “Sana nga po matulongan po kami ni Kuya Will (Willie Revillame), kasi po ‘yung nasa evacuation lang po ang binibigyan at sa bungad po.

Ang TV lang po ang nasagip namin ng kapatid ko at ‘yung alaga kong tuta at aso po.”

Nagtampo ba siya kay Coco?

Sagot ni Kenken, “Opo, sana kumustahin lang naman po ako, okay lang na hindi ako tulungan, basta kumustahin lang niya ako.”

Nabanggit pa ni Kenken na halos isang taon na siyang walang work o project at ang tatay naman niya ay masy sakit kaya hindi nakapagtrabaho.

Aniya pa, “Isang taon na po na wala akong taping sa ‘Ang Probinsyano’ at nakaka-miss po sina Kuya Coco, Kuya John Prats at ang Team Agila po.” Nonie Nicasio


  •  
  •  
  •  

Loading...