Child labor sa Pinas lumalala – PSA

Child labor sa Pinas lumalala – PSA

March 4, 2023 @ 3:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – SINABI ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makikita sa kanilang data na tumaas ang child labor sa Pilipinas noong 2021. Karamihan sa mga ito ay napasabak sa hazardous jobs kumpara noong mga nakalipas na taon.

Ayon sa PSA, ang mga kabataan na may edad na 5 hanggang 17 taong gulang ay kinokonsiderang naghahanapbuhay kung ang mga ito ay nasasama sa family business o anumang trabaho, hindi alintana ang bayad, para sa isang oras kada linggo.

Taong 2021, may pagtataya na 4.3% (o 1.37 milyon) ng 31.64 milyong kabataan ang nagta-trabaho na. Mas mataas ito kumpara sa proporsyon ng nagta-trabahong kabataan noong 2020 (872,333) at 2021 (1.05 milyon).

Sa ulat, sinabi ni Ateneo Center for Economic Research and Development Director Ser Percival K. Peña-Reyes na ang pagtaas ay dahil sa pandemiya.

Sinasabing mayorya ng sektor, maraming mga kabataan ang natuklasang nagtatrabaho sa agriculture sector (45.7% ang nagta-trabaho ay mula sa underage population). Sinundan ito ng serbisyo na (45.4%) at industrya (9.0%).

“In 2021, among the total number of working children, it was estimated that 55.9% worked for 20 hours or less per week. This was more than the 53.0% estimate for 2020 but smaller than the 69.6% estimate for 2019,” ayon sa ulat.

“By region, child workers were most likely located in the Northern Mindanao region, with 12.5% of the said population. The Caraga region came in second with 11.1% and the Socskasargen region with 7.4% in 2021,” ayon pa rin sa ulat.

Para sa PSA, ang child labor ay “those involved in hazardous work or labor done in a hazardous environment and work done for more than 40 hours that subject the child to “any form of exploitation” and harm to their safety and health.”

Makikita rin sa data ng PSA na ang child laborers ay tumaaas ng 935,120 noong 2021, o 68.4% ng kabuuang working child population. Mas malaki naman ito kumpara sa 596,919 noong 2020 at 640,066 noong 2019.

Marami namang child laborers ang nakita sa agricultural sector, may 61.9% ng child labor population, subalit malit pa rin ito kumpara sa 63.6% noong 2020. Samantala, nananatili namang 31.9% ang serbisyo at 6.1% ang industriya.

Sinabi pa rin ng PSA na may ilang agriculture activities, gaya ng farming o pagsasaka ay delikado sa mga underage na tao.

Samantala, ang Northern Mindanao region ang may pinakamataas na child laborers share na may 14.8%. Sinundan ito ng Central Visayas (10.0%) at Caraga region (8.5%). Kris Jose