CHILD PROTECTION MAHALAGA KAY MAYOR ALONG

CHILD PROTECTION MAHALAGA KAY MAYOR ALONG

December 8, 2022 @ 2:02 AM 2 months ago


Sina Marde, 14, Willie, 10  at 12-year old na si Marga ay ilang taon nang pakalat- kalat kung saan-saan. Sila’y may kanya-kanyang kuwento kung bakit lansangan ang kanilang naging buhay at tahanan.

Mahirap ang buhay kalye. Para makakain, kailangan nilang mamalimos at  napipilitang magnakaw, mang-holdap mairaos lang ang gutom at sakit ng tiyan dahil sa kawalan. 

Naging biktima rin sila ng pang-aabuso dahil sa ‘di  inaasahang  pagkakamali na ‘di naayon sa batas na ayaw nilang gawin subali’t ginagawa dahil sa pangangailangan.

Sina Marde, Willie at Marga ay ilan lamang sa libo-libong batang-kalye na kung  tawagin ay children at risk at children in conflict with the law na nakakalat sa buong bansa.

Sa Caloocan City  simulan nang sinupin ni Mayor Gonzalo Dale “Along” Malapitan ang problema sa pamamagitan ng pagpirma kamakailan ng child protection policy of the Caloocan City Bahay Pag-asa. 

Sa kasalukutan, ang Caloocan ay may 3-storey facility sa Torsillo St., Barangay 28 – kung saan may 60 CICLs at  CARs  inaalagaan ng mga kawani ng BAP. 

“The city government is helping them develop positive change through series of programs”, pahayag ng alkalde. 

Ang naturang lugar o pasilidad ay  magsisilbi ring rehabilitation place para sa mga inabuso at minaltratong kabtaan.

This gesture aims to highlight the city government’s dedication to keep children safe and provide them with necessary support to succeed in life, ayon pa sa butihing punong-lungsod.

“Nais nating pagtibayin ang mga polisiya ng Pamahalaang Lungsod upang maprotektahan at magabayan ang ating mga kabataan, lalong-lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso at mga naligaw ng landas,” giit ni Mayor Along.

“Hangad din natin na mabigyan sila ng pantay na pagkakataon na magtagumpay sa buhay sa kabila ng kanilang mga pinagdaraanan,” dagdag pa  ng alkalde.

Knowing the city chief executive, na kilalang achievement-based motivator na lider,  ang mga batang Kankaloo na nabibilang sa CICLs at CARs ay tiyak na magliliwanag ang bukas dahil sa isa na naman kaaya-ayang programang ito ng city government.