Children at risk inayudahan

Children at risk inayudahan

July 10, 2022 @ 2:41 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Namahagi ng educational assistance para sa children at risk at mga kabataan na kanilang na-rescue ang Caloocan City Social Welfare Development Department (CCSWDD).

Ayon kay Mayor Gonzalo Dale “Along” Malapitan, P2,000 tulong edukasyon para sa elementarya at P3,000 naman para sa sekundarya ang inilaan para sa 52 na benepisyaryo upang matulungan silang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral

“Simula noon, prayoridad na po natin ang edukasyon ng ating mga kabataan. Nais natin na lahat ay mayakap ng pamahalaan at mabigyan ng sapat na oportunidad,” anang alkalde.

“Hangarin natin na walang maging hadlang sa pag-aaral ng ating mga Batang Caloocan,” dagdag pa ng punong-lungsod. Merly Iral