China, ‘di magdadala ng giyera, pananakop sa Pinas – envoy

China, ‘di magdadala ng giyera, pananakop sa Pinas – envoy

October 26, 2022 @ 8:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na hindi magdadala ng giyera at kolonisasyon ang Tsina sa Pilipinas.

Sa halip, ang bibitbitin aniya ng Tsina ay kooperasyon at pagkakaibigan lalo pa’t ang daan na tinatahak ng Tsina ay modernisasyon.

Sa kabilang dako, sa gitna ng hindi pa rin nalulutas na usapin ukol sa West Philippine Sea ay naniniwala si Huang na normal lamang ito para sa dalawang bansa na magkaroon ng pagkakaiba o hindi pagkakaintindihan kahit pa magkapitbahay lamang ang mga ito.

“But the key for this is to “place differences in the proper position of China-Philippines relations” as well as “not let them affect or even sabotage the overall situation of the relations between the two countries,” ayon kay Huang.

Sa Pandesal Forum, nagbigay ng kasiguraduhan si Huang na bahagi ng peaceful development sa Tsina ay ang pagpapalaganap ng pagtutulungan ng dalawang bansa para panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

“China and the Philippines are good neighbors, good relatives, and good partners, and traditional friendship has a long history,” aniya. Kris Jose