China envoy: ‘Provocative action’ ng Pinas, Tsina sa disputed area, itigil

China envoy: ‘Provocative action’ ng Pinas, Tsina sa disputed area, itigil

February 18, 2023 @ 9:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Dapat na umiwas at pigilan ng Pilipinas at China na gumawa ng kahit na anong “provocative action” sa pinagtatalunang katubigan.

Tinanong kasi si Chinese Ambassador Huang Xilian sa isang  news conference kung ano ang kanyang mensahe sa  Philippine Coast Guard na nag-report ng ginawang pagtutok ng Chinese Coast Guard vessel  ng military-grade lasers sa BRP Malapascua malapit sa Ayungin Shoal nitong Pebrero 6.

“The China coast guard has also communicated with the Philippine Coast Guard on this instance,” ayon kay Huang.

“I think that first of all both sides should exercise restraint and refrain from taking any unilateral and provocative action. At the end of the day, that water is a disputed area,” dagdag na pahayag nito.

At nang hingan naman ng komento ukol sa napaulat na pansamantalang pagkabulag ng ilang PCG crew, sinabi ni Huang  na  “I was very saddened to hear that.”

“But as I said those are not military grade lasers which does not inflict damage of any either personnel or any goods,” ang wika ni Huang.

Nauna rito, sinabi ni Chinese Ministry of Foreign Affairs spokesperson Wang Wenbin na walang nangyaring tututukan ng laser light sa barko ng PCG.

Aniya, tanging ‘hand-held equipment’ lamang ang kanilang ginamit para sukatin ang distansya.

Iginiit naman ni PCG adviser for maritime security Cmdr. Jay Tarriela na may radar naman ang barko ng CCG at hindi makatotohanan na gagamit sila ng ‘hand-held equipment’.

“The mere fact that our crew reported that they experienced that temporary loss of vision… is something that is not a made-up story,” ani Tarriela.

Sinabi pa ni Tarriela na hindi tama na basta na lamang tanggapin ng Pilipinas ang dahilan na ito ng China at nakakabahala na gumagamit ang CCG ng laser na may intensidad na nakakasira ng paningin ng kanilang mga tripulante. Kris Jose