China envoy umaasa sa tuloy na magandang relasyon sa Pinas sa sunod na admin

China envoy umaasa sa tuloy na magandang relasyon sa Pinas sa sunod na admin

April 21, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang “improved relations” sa pagitan ng Pilipinas at China sa nakalipas na anim na taon.

Umaasa rin ito na mananatili ang nasabing relasyon sa pagitan ng dalawang bansa kahit matapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang photo exhibit na dinaluhan nina Senador Imee Marcos at Cynthia Villar, pinasalamatan ni Huang si Pangulong Duterte para sa pagpo-promote ng “closer ties” sa pagitan ng dalawang bansa.

Dumalo rin sina Public Works Secretary Roger Mercado at iba pang government officials sa nasabing event na isinagawa sa Binondo.

Sinabi ni Huang na ang event, ay inorganisa ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc, kung saan ipinakita ang mga proyekto ng China sa Pilipinas at i-showcase ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa nakalipas na 6 taon.

“The landmark China-gifted Binondo-Intramuros Bridge, benefiting tens of thousands of people every day, has already become a tourist attraction. During the past 6 years, our trade has doubled and the total Chinese investments in this country have quadrupled in the past 6 years, compared with the previous 6 years,” ayon sa Chinese envoy.

Ang Chinese ambassador ay nagpunta ng Pilipinas upang magbigay-galang sa namayapang Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana na pumanaw ngayong linggo.

“We shall not forget our common friend His Excellency Chito Sta Romana… who has made [a] great contribution to our relations and to our cooperation.” ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian

Binanggit din ng ambassador ang kontrobersiyal na usapin hinggil sa West Philippine Sea sabay sabing ang dalawang bansa ay maaayos na nahawakan ang pagkakaiba nito sa nasabing isyu.

“We have been committed to managing differences through bilateral communication and dialogue. We have handled a series of maritime-related incidents prudently and conducted consultations on the joint oil and gas exploration in the South China Sea.” aniya pa rin. Kris Jose