China handang makipagtulungan sa US sa global peace, stability – Xi

China handang makipagtulungan sa US sa global peace, stability – Xi

October 28, 2022 @ 5:38 PM 1 month ago


ANKARA, Turkey – Handa si Chinese President Xi Jinping at ang kanyang bansa na makipagtulungan sa Estados Unidos upang magbigay ng kapayapaan at katatagan sa mundo.

Sa kanyang congratulatory message sa annual gala dinner ng National Committee on US-China Relations, idinagdag ni Xi na dapat respetuhin ng China at US ang isa’t isa upang makamit ang win-win cooperation sa dalawang bansa.

“The world today is not peaceful. As major powers, China and the US strengthening communication and cooperation will help increase the stability and certainty of the world and help promote world peace and development,” pahayag ni Xi.

Ito ang kauna-unahang mensahe ng Chinese president kaugnay ng ugnayan sa US makaraang mahalal sa makasaysayang ikatlong termino bilang pangulo.

Umaasa rin si Xi na ang National Committee on US-China Relations ay magpapatuloy sa tungkulin nitong palakasin ang bilateral relations ng dalawang bansa.

Matatandaan na kamakailan ay nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng Beijing at Washington makaraang magkasa ng military operations ang China sa Taiwan nitong Agosto makaraang bumisita sa isang unannounced trip sa Taiwan si US House Speaker Nancy Pelosi.

Nakita ito ng China na paglabag sa kanilang soberanya. RNT/JGC