China, Korea, Taiwan tutulong sa paghahanap sa 36 Pinoy crewmen sa Japan

China, Korea, Taiwan tutulong sa paghahanap sa 36 Pinoy crewmen sa Japan

September 23, 2020 @ 5:34 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na aagapay na ang mga bansang China, Korea, at Taiwan sa search and rescue operations sa 36 Pinoy seafarer na hanggang ngayon ay nawawala pa rin sa paglubog ng Gulf Livestock 1.

“I sent letters to embassies of Korea, China, and Taiwan. Luckily, they responded. And they said, on their own, even before receiving the letter, they are helping the search and rescue operation,” ani Bello.

“Yung mga relatives ng 36 are still clinging to the hope na buhay pa sila kasi wala pang nakikitang (katawan),” lahad pa nito.

Dagdag ni Bello, mag-uusap pa ang dalawang nakaligtas, pamilya ng 36 na nawawala, at manning agency sa Miyerkoles.

 “They would like to have some few moments with them. Pumayag naman sila. They are seeing them this afternoon,” giit ni Bello.

Lulan ng Gulf Livestock 1 ang 43 crew at 6,000 baka na lumubog dahil sa masamang panahon.

Isa naman ang naiulat na nasawi. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...