China, maghihigpit sa mga pekeng produkto

China, maghihigpit sa mga pekeng produkto

September 1, 2021 @ 12:39 PM 10 months ago


CHINA – Mas maghihigpit na ang China sa pagpaparusa sa mga mapapatunayang nagbebenta ng mga pekeng produkto online sa pag-amyenda sa e-commerce law ng bansa.

Nitong Martes, Agosto 31 ay naglabas ng draft amendment ang State Administration for Market Regulation (SAMR) kung saan mas mahigpit na parusa kasama na ang pagbawi sa lisensya ng kumpanya ang ipapataw sa mapapatunayang namemeke ng produkto.

Ang hakbang ay upang mapanatiling maayos at malinis ang online shopping market ng China.

Naipasa noong 2018 ang orihinal na e-commerce law na layong itaas ang reputasyon ng bansa laban sa mga pekeng produkto kasabay ng pag-unlad ng kanilang e-commerce market.

Ilan sa mga malalaking e-commerce operator sa China ay ang Alibaba at Pinduoduo. RNT/JC