China nagbigay ng P1B equipment sa Ph military

China nagbigay ng P1B equipment sa Ph military

January 29, 2022 @ 8:58 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Nagbigay ang China ng RMB130 milyon o katumbas ng P1 bilyong equipment sa Armed Forces of the Philippines, ayon sa Department of National Defense.

Ang unang batch ng military equipment ay dumating sa Maynila noong Enero 16.

Habang hinihintay naman ang pagdating ng ikalawa pang batch.

Sinabing ang naturang donasyon ay binubuo ng military equipment tulad ng rescue and relief equipment, drone systems, detectors, water purification vehicles, ambulances, firetrucks, x-ray machines, EOD robots, bomb disposal suits and transport vehicles; at engineering equipment tulad ng backhoes, dump trucks, forklifts, at earthmovers.

Pormal naman itong ibibigay sa DND at AFP sa susunod na buwan. RNT/FGDC