China nagpaabot ng pakikiramay sa flood victims sa VisMin

China nagpaabot ng pakikiramay sa flood victims sa VisMin

December 28, 2022 @ 6:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakidalamhati ang China ntong Miyerkules sa mga biktima ng pagbaha sa Pilipinas kamakailan at tiniyak na magpapaabot ng tulong.

“I would like to extend my deepest sympathy to the victims of the recent flash floods that struck the Philippines during this Christmas weekend. My heart also goes out to all the bereaved families, may they find peace and courage amidst this difficult time,” pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

“China will always stand ready to help as a good neighbor, relative and partner to the Philippines in times of trouble like this. We wish all those affected could overcome the grief and hardships, regain their strength, and rebuild their home at the earliest date,” dagdag niya.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) umabot na sa 25 ang bilang ng mga naiulat na namatay dahil sa pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Inihayag pa ng NDRRMC na naiulat ang 16 pagkasawi sa Northern Mindanao, lima sa Bicol, dalawa sa Eastern Visayas, at dalawa sa Zamboanga.

Ilang lugar din sa Visayas at Mindanao ang binaha nitong Pasko dahil sa epekto ng shear line, ang weather system na nabuo sa pagtatagpo ng cold front at warmer front. RNT/SA