China: Pagbisita ng US VP sa Pinas, ‘di dapat makasira sa interes ng ibang bansa

China: Pagbisita ng US VP sa Pinas, ‘di dapat makasira sa interes ng ibang bansa

November 23, 2022 @ 5:24 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng pamahalaan ng China na ang naging ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos partikular na ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan ay hindi dapat makaapekto o makasira sa interes ng ibang bansa.

“We are not against normal interaction between the US and the Philippines, but their interaction should not be damaging to other countries’ interests,” ani Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian.

“Our view has always been that exchanges and cooperation between any set of countries should be conducive to the mutual understanding and trust among regional countries and the peace and stability in the region. It should not target or hurt other countries’ interests,” dagdag niya.

Matatandaan na bumisita si Harris sa Palawan nitong Martes, Nobyembre 22 upang makipagkita sa mga mangingisda at miyembro ng coast guard bilang suporta sa Pilipinas.

“The United States—and the broader international community—have a profound stake in the future of this region,” sinabi ni Harris.

“As an ally, the United States stands with the Philippines in the face of intimidation and coercion in the South China Sea,” dagdag pa niya.

Si Harris na ang pinakamataas na opisyal ng US na nakabisita sa Palawan na pinakamalapit naman na lupain ng Pilipinas sa pinag-aagawan na Spratly Islands sa South China Sea. RNT/JGC