China, pinakulong ang daan-daang opisyal dahil sa pollution violation

China, pinakulong ang daan-daang opisyal dahil sa pollution violation

July 10, 2018 @ 10:25 AM 5 years ago


 

SHANGHAI — Ipinakulong ng China ang daan-daang opisyal matapos itong mabigong depensahan ang mga natuklasang environmental violation sa isinagawang inspeksyon noong nakaraang taon, ayon sa environmental ministry sa kamakailang round ng “war on pollution” sa pangunguna ni President Xi Jinping.

Nasa kabuuang 4,304 na opiyal sa sampung probinsya at rehiyon ang pinatungan ng kaso matapos hindi maisaayos ang mga violation habang ang iba naman ay humaharap sa mga fines at maaring makulong, sabi pa ng ministry kahapon (July 9).

Noong katapusan ng May, ang central government inspector ay sinimulan ang re-examining ng libo-libong violators na natuklasan noong nationwide environmental audit at napag-alaman pa na marami sa mga problema ay hindi pa rin nasusolusyunan.

Kasalukuyan na nilang inakusahan ang mga lokal na gobyerno at mga state-owned enterprises sa buong bansa dahil sa  “perfunctory” o maging “fraudulent” rectifications.

Kabuuang 510 million yuan ($77.13 million) ang fine na inisyu sa sampung rehiyon kabilang na sa dalawang pinakamalaking steel producing provinces ng Hebei at Jiangsu, pati na ang Yunnan at Ningxia sa kanluran at Guangdong sa timogsilangan, ani ng Ministry of Ecology and Environment.

Ang naganap na inspeksyon ay kinasasangkutan ng kabuuang 28,076 na violations. Ayon sa ministry, 464 na opsiyal ang nahatulan na ng criminial detention o pagkakakulong.

Ang China ay nasa ika-limang taon na sa laban kontra polusyon kung saan ipinangako ni Xi noong May na gagamitin niya ang buong lakas para wakasan ang polusyon sa bansa. (Remate News Team)