China reresbak sa US sa pagboycott ng Winter Olympics

China reresbak sa US sa pagboycott ng Winter Olympics

December 7, 2021 @ 10:32 AM 10 months ago


WASHINGTON/BEIJING — Nagbanta ang China na gaganti saUS  sa ginawa nitong  pag-boycott sa Beijing Winter Olympics dahil umano sa record paglabag sa human rights.

Ayon sa China magsasagawa sila ng  “countermeasures” kung kinakailangan, ayon sa China’s foreign ministry.

Tuluyan nang inanunsiyo ng  administrasyon ni Biden na hindi lalahok ang US government officials sa 2022 Olympics sa Beijing, ayon sa CNN.

Ang boycott umano ay isang uri ng makasariling desisyon  at dapat tigilan para hindi maapektuhan ang ginagawang dialogo at kooperasyon ng China at US sa mga mahahalagang lugar, ani Zhao Lijian, spokesperson ng  China foreign ministry.

Ayon kay US President Joe Biden, kinosidera nila ang diplomatic boycott bilang pagtuligsa sa human rights record China kasama na ang sinabi ng Washington na isa uri ito ng genocide kontra sa minority Muslims.

Matagal nang pinepressure ng mga aktibista at miyembro ng kongreso ang administrasyon para hindi lumahok sa games.

Sa ngayon, ayaw pang magsalita ng White House kaugnay sa isyu pero ayon sa insider na plano na talaga na hindi papuntahin sa China ang mga  US officials para  sa Beijing Olympics.

Sinabi naman ni Biden na tuloy pa rin ang suporta nila sa mga US athletes na lalahok sa event.JC