China Telecom ‘di kakalas sa Dito

China Telecom ‘di kakalas sa Dito

September 23, 2020 @ 7:48 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiwala ang third telco player na Dito Telecommunity Corp. na hindi babawiin ng Chinese partner nito ang kanilang investment makaraang ipilit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang arbitral victory ng bansa noong 2016 laban sa pag-angkin ng China sa South China Sea.

Sinabi ni Dito Chief administrative officer Adel Tamano sa isang media forum ngayong Miyerkoles na dahil sa hirap, pagod at gastos na ginawa nila para sa proyekto, hindi nila naisip na kakalas ang foreign Chinese partners nila.

Binanggit pa ni Tamano na ito ang kauna-unahang proyekto ng China Telecommunications Corporation sa ibang bansa kaya’t lubha itong mahalaga para sa kanila.

Nabatid na ang Dito, dating Mislated Consortium ay binubuo ng Udenna Corporation (35%) na pag-aari ng negosyanteng si Dennis Yu; subsidiary nitong Chelsea Logistics Holdings, Inc. (25%) at Chinese state-owned na China Telecom (40%).

Nag-invest ang Dito ng P257B para sa five-year rollout program nito para makamit ang pangako nitong 55 megabits per second (Mbps) internet speed at coverage na 84% ng populasyon.

Sa kanyang kauna-unahang talumpati sa United Nations General Assembly, sinabi ni Duterte na ibinasura ng gobyerno ang tangkang panghinain ang July 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague. RNT  


  •  
  •  
  •  

Loading...