China wawasakin ang SpaceX at Starlink satellites ni Musk

China wawasakin ang SpaceX at Starlink satellites ni Musk

October 28, 2022 @ 4:05 PM 1 month ago


BEIJING – Pasasabugan ng China ng bombang nukleyar ang SpaceX at Starlink satellites na pag-aari ni Ellon Musk kung maging banta na ang mga ito sa seguridad ng China.

Ayon kay Ren Yuanzhen, researcher ng Modern Defence Technology, gagamitin ang soft at hard na paraan para maparalisa at masira ang lahat ng satellite ng Starlink.

Tugon umano ito sa balak ni Musk na magpalaot sa kalawakan ng libo-libong Starlink satellite na maaaring tatapat sa China, papasok sa space station nito at sirain ang imprastraktura nito sa kalawakan.

Magiging epektibo umano ang 10 megaton na bombang nukleyar sa taas na 50 milya at tamang-tama sa mga pakakawalang satellite ng Starlink.

Mawawala rin umano sa orbit o pwesto ang SpaceX ni Musk at mawawalan ng koneksyon ito sa mga satellite hanggang sa magiging inutil at masira ang mga ito.

Nakasisira rin umano sa mga satellite ang pagkakaroon ng radiation na mabubuo ng bombang nukleyar na maglalakbay sa kalawakan.

Gumagawa na rin umano ang China ng karampatang armas para sirain ang mga satellite na lagpas sa kalangitan ng earth na kung saan walang hangin at hindi uubra ang ulap ng bombang nukleyar.

Habang nagaganap ito, tinawag nang banta sa United Kingdom ang China nab anta sa seguridad nito.

Matatandaang nakagawa at nagsasagawa na ang China at Russia ng mga eksperimento kung paano nila sisirain ang mga satellite na gamit sa komunikasyon, pang-eespiya at GPS na gabay sa mga pinakakawalang precision missile gaya ng nagaganap sa giyerang Russia at Ukraine.

Nauna rito, iniulat na ng Remate online na balak na wasakin ng Russia ang mga satellite ni Musk na gamit ngayon ng Ukraine sa pagpapakawala ng mga missile at pang-eespiya laban sa mga pwersang Russia. RNT/FC