Chinese embassy: Blacklist status ng Pinas sa Tsina, ‘di totoo; Zubiri nanindigan

Chinese embassy: Blacklist status ng Pinas sa Tsina, ‘di totoo; Zubiri nanindigan

October 12, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – “The report of ‘tourist blacklist’ is misinformation. China has not placed the Philippines on its blacklist for tourism.”

Ito ang nilinaw ng embahada ng Tsina sa Pilipinas makaraang iulat ni Senate President Migz Zubiri na ang bansa ay nasa tourist blacklist ng China matapos ang pakikipagpulong niya kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

“Because of the problem of POGO, the Philippines now is blacklisted and tourists now are discouraged to go to the Philippines,” ani Zubiri matapos na kitain ang ambasador.

Sa kabilang banda, nilinaw din ng Chinese Ambassador na ang naging pagpupulong kina Zubiri at Senators Win Gatchalian at Robin Padilla ay matagumpay at sinabing mas maraming turistang Tsino ang inaasahang bibisita sa bansa.

Matapos ang mga paglilinaw, pinanindigan ni Zubir ang naunang pahayag at sinabi niyang nagsilbi lamang siyang mensahero at ipinabatid lang sa publiko ang sinabi ng ambassador sa naging pagpupulong.

“That was the message, don’t shoot the messenger. Again, it was the ambassador who said the tourism blacklist, not any one of us, as he discussed how it could affect tourism. So maybe he meant future tense and not present tense,” anang Senate President.

Sa datos ng Department of Tourism, umabot sa 1.74 milyon ang mga turistang Tsino noong 2019. RNT