Chinese embassy magdo-donate ng P10M quake relief assistance

Chinese embassy magdo-donate ng P10M quake relief assistance

July 30, 2022 @ 1:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Magdo-donate ang Chinese Embassy sa Manila ng P10 milyong halaga ng relief goods sa mga lugar na apektado ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Northern Luzon nitong Miyerkules.

Inihanda ang unang batch ng relief goods na nagkakahalaga ng P3.6 milyon ng Chinese Enterprises Philippines Association, ayon sa enbahada nitong Biyernes.

“The Chinese Embassy is providing emergency supplies worth 10 million pesos to the earthquake-affected areas together with the Philippine Chinese Chamber of Commerce & Industry, Inc. (PCCCII),” pahayag nito. “As always, China is ready to provide full support and assistance in the disaster relief efforts to our Philippine friends.”

Inihayag din ng embahada na naniniwala sila na ang mga biktima ng lindol “will rise above the difficulties and rebuild their homes soon.”

Nauna nang iulat ng Department of Social Welfare and Development nitong Biyernes na sa Tayum, Abra, epicenter ng lindol, 162,156 pamilya ang apektado habang 95 tahanan ang labis na napinsala. RNT/SA