Chinese Embassy: POGO-related crimes ‘di lang makapipinsala sa Tsina, sa Pinas din

Chinese Embassy: POGO-related crimes ‘di lang makapipinsala sa Tsina, sa Pinas din

October 11, 2022 @ 6:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pumiyok ang  Chinese Embassy na ang krimen na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ay hindi lamang makapipinsala sa Tsina kundi maging sa Pilipinas.

Ang pahayag na ito ng Chinese Embassy  ay tugon sa ibinunyag ni Senate President Migz Zubiri na kabilang ang Pilipinas sa blacklisted na tourist site ng Tsina dahil umano sa mga POGO operation sa bansa.

“Crimes induced by and associated with POGO not only harm China’s interests and China-Philippines relations, but also hurt the interests of the Philippines,” ang nakasaad sa kalatas ng  Chinese Embassy.

“It is therefore widely believed that social costs of POGO far outweigh its economic benefits to the Philippines in the long run and POGO should be tackled from the root so as to address the social ills in a sweeping manner,” dagdag pa nito.

Gayunman, hindi naman itinanggi o kinumpirma ng Chinese Embassy ang  naging pahayag ni Zubiri sa idinaos na Senate hearing hinggil sa “benefits and costs” ng POGO sa Pilipinas.

“To further elucidate on the ‘tourist blacklist’ remarks, tourism is an important component of practical cooperation between China and the Philippines which has helped further deepen long-time friendship between the two peoples,” ang wika pa ng Chinese Embassy.

“Before the COVID-19 pandemic, close to two million Chinese nationals traveled to the Philippines in 2019, making China the second largest source of tourists. We expect more Chinese tourists to come to this country after the pandemic,” anito pa rin.

Sa ulat, kasama ang Pilipinas sa umano’y naka-blacklist sa China upang hindi puntahan ng kanilang mga turista dahil sa patuloy na operasyon ng offshore gaming.

Ito ang inihayag ni Senador Zubiri matapos na mag-courtesy call sa kanya si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kung saan natalakay ang isyu ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Binanggit umano ni Huang kay Zubiri na ang Pilipinas ngayon ay bahagi ng isang blacklist ng mga tourist sites dahil hindi nila alam kung ang isang turista ay sasali sa mga operasyon ng POGO at hindi nila alam kung ang kanilang mga kababayan na pupunta sa Pilipinas ay magiging ligtas sa mga ilegal na aktibidad na isinasagawa ng triad at mga sindikato.

Pangamba aniya ni Huang na baka kidnapin ang mga turistang Chinese at mapagkamalang bahagi ng POGO kaya bumaba ang bilang ng mga turista na nanggagaling sa China.

Sinabi pa ni Zubiri na noong bago mag- pandemya ay pinakamarami ang mga turistang Chinese ang bumisita sa Pilipinas.

Kaugnay nito, wala pa naman umanong natatanggap na abiso ang Malacañang tungkol sa ginawang pag-blacklist ng China sa Pinas dahil sa POGO.

“Sa totoo lang wala pa po kaming nare-receive na advisory with respect to that blacklisting issue. So pag nagbigyan na kami ng kaukulang advisory we will make the proper comment,” ani Garafil.

Samantala, sinabi ng Chinese Embassy na “Criminal liability can be pursued in accordance with the provisions of the Criminal Law of China. Chinese government and law enforcement have been taking tough measures to combat all forms of gambling.”

“Most of the recent crimes targeted at Chinese citizens in the Philippines are related to POGO. Chinese government cares about and protects the safety and legitimate interests of each and every overseas Chinese citizen,” dagdag pa nito. Kris Jose