Chinese envoy pinatawag ng Pinas sa panghaharas sa research vessel

Chinese envoy pinatawag ng Pinas sa panghaharas sa research vessel

May 31, 2022 @ 7:41 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinatatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang matataas na opisyal ng Chinese Embassy sa Maynila para sitahin at iprotesta ang nangyaring panghaharas ng Chinese Coast Guard sa isang barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng research activity sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, sinabi rin ng departamento na sinusuri din nito ang impormasyon sa pinakabagong insidente sa pinagtatalunang katubigan para sa paghahain ng isa pang diplomatic protest laban sa Tsina.

Sinabi ng DFA na ang gobyerno ng Pilipinas ay “takes appropriate diplomatic action for violations of Philippine sovereignty, sovereign rights within our maritime jurisdiction.”

“Illegal activities around Ayungin Shoal are subject of diplomatic protests, in the exercise of the Philippines’ sovereign rights and jurisdiction over Ayungin Shoal, which forms part of the exclusive economic zone and continental shelf of the Philippines as affirmed by the 2016 Award on the SCS arbitration,” giit pa ng DFA.

Ang pahayag ng DFA ay matapos iulat ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) na nakabase sa Washington na ang Chinese Coast Guard at militia nito, sa tatlong magkahiwalay na insidente sa nakalipas na dalawang buwan, ay hinaras ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“On the presence of foreign coast guard vessels around Reed Bank, in the vicinity of the Philippine approved activities around SC 75 and SC 72, as well in the vicinity of the approved joint Marine Scientific Research led by the UP NIGS, are not consistent with innocent passage and are clear violations of Philippine maritime jurisdiction where only the Philippine government has the mandate of enforcement,” ayon pa sa DFA.

“The detailed reports of these activities are being reviewed for the filing of appropriate diplomatic action,” giit pa nito.

Dagdag pa ng DFA na ang Philippine Coast Guard ay “enforcement jurisdiction over these waters.”

“The presence of foreign vessels following tracks that are neither continuous nor expeditious, that are not consistent with Article 19 of UNCLOS on innocent passage, are against the interests of the Philippines.”

“We assure the Filipino people that the role of the DFA on upholding Philippine interests and protecting and preserving national security and territorial integrity will remain firm,” ayon pa sa kagawaran. RNT