Chinese flying car, ibinida sa Dubai

Chinese flying car, ibinida sa Dubai

October 13, 2022 @ 5:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ibinida sa publiko ang naimbentong  flying car ng isang Chinese company at pinalipad sa Dubai, UAE.

Batay sa ulat, isinagawa ang siyam na minutong test flight ng X2, isang electric vertical take-off and landing (eVTOL) flying car ng kumpanyang Xpeng, na ikinamangha ng mga manonood.

Bukod sa futuristic nitong hitsura at teknolohiya, hindi rin naglalabas ng carbon dioxide ang X2.

Umarangkada ang test flight sa Dubai, na itinuturing na isa sa “most innovative cities in the world.”

Isang pasahero lamang ang puwedeng isakay ng X2.

Inihayag ng Xpeng na patuloy ang kanilang pananaliksik para sa iba pang modelo ng flying car. RNT/SA