Chinese Foreign Minister Wang Yi bibisita sa Pinas

Chinese Foreign Minister Wang Yi bibisita sa Pinas

July 4, 2022 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaasahan na ang pagdating sa Pilipinas ni Chinese Foreign Minister Wang Yi, bukas, Hulyo 5 hanggang 6.

Nakatakda rin itong makipagkita kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para pag-usapan ang bilateral issues at personal na ipaabot ang imbitasyon mula kay Chinese leader Xi Jinping na bumisita sa China.

Si Wang ang pangalawang most senior Chinese official na bumisita sa Pilipinas matapos si Chinese Vice President Wang Qishan, na dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Marcos noong  Hunyo 30  bilang special representative ni Xi.

Wala namang detalye ng ibinigay ang DFA sa byahe na ito ni Wang subalit may balita na magdaraos ito ng bilateral talks sa kanyang Philippine counterpar na si Foreign Secretary Enrique Manalo, at National Security Adviser Clarita Carlos.

“Wang’s trip is taking place a week before the Philippines commemorates its victory before a The Hague-based arbitral tribunal, which invalidated China’s sweeping claim in the disputed South China Sea, including waters and features within Manila’s exclusive economic zone. China does not recognize the ruling,” ayon sa ulat. Kris Jose