Chinese investors mas kumpiyansa na sa Pinas – envoy

Chinese investors mas kumpiyansa na sa Pinas – envoy

October 23, 2022 @ 11:24 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mas kumpiyansa na ngayon ang Chinese companies na mag-invest sa Pilipinas sa patuloy na pagbuti ng business community sa Pilipinas.

Ito ay ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, na sinabi nitong Biyernes na ang Chinese investors “have shown increasing confidence in the economic prospects” ng bansa.

Naganap ito sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa opisina, saad pa sa kanyang Facebook post.

Dahil ang China ang top trading partner at export market ng Pilipinas, sinabi ni Huang na ang Chinese government ay “ready to further its cooperation with the Philippines.”

Dagdag pa niya, pwedeng siyasatin ng China ang mas maraming partnership sa Pilipinas sa apat na key areas ng agriculture, infrastructure, energy at people-to-people exchanges, na tuon ng pakikipagpulong ni Marcos kamakailan kay China’s State Councilor at Foreign Minister Wang Yi.

“As a Chinese proverb reads, ‘The going may be tough when one walks alone, but it gets easier when people walk together,’” pahayag ng envoy.

“It’s time for us to jointly forge firmer and more prosperous China-Philippines economic ties,” patuloy niya. RNT/SA