Chinese investors para sa Nuclear energy, hanap ng Pinas

Chinese investors para sa Nuclear energy, hanap ng Pinas

January 10, 2023 @ 9:58 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ng Pilipinas ang mga Chinese investors na magpartisipa sa pinlanong pakikipagsapalaran sa nuclear energy, at kooperasyon sa ibang larangan gaya ng renewable energy.

Sinabi ni Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla, karamihan sa mga pangako ng Chinese investors sa Philippine energy sector ay hinggil sa solar photovoltaic at offshore wind projects, at iba pa, kabilang din ang wind turbine operators.

“It’s consistent as well with the statement that was made between the two presidents that the two sides agreed to explore cooperation in such areas as solar power, wind energy, EVs (electric vehicles), and nuclear energy for electricity generation,” ayon sa Kalihim.

Kamakailan ay nakapag-uwi si Pangulong Marcos ng mga investment pledges mula sa kanyang state visit sa China kung saan ay kasama na rito ang US$13.76 bilyon para sa renewable energy.

Matatandaang, inamiyendahan ng DOE ang seksyon ng implementing rules and regulations (IRR) ng Renewable Energy (RE) Act of 2008, ” allowing foreign investors or companies to engage in the exploration, development, and utilization of Philippine renewable energy sources.”

“That I think has made a qualitative difference in terms of the attraction that renewable energy holds for investors particularly from China. The level of interest I think definitely would be higher because of that particular development,” ayon kay Lotilla.

Target ng pamahalaan na itaas ang share ng renewable energy sa 35% ng power generation mix ng bansa sa 2030, at itaas ito sa 50% sa 2040. Kabilang dito ay ang offshore wind, waste-to-energy, expanded rooftop solar programs, at maging ang “ocean at tidal stream energy.”

Pagdating naman sa nuclear energy, tiinuran ni Lotilla na may ilang Chinese firms ang pinag-aaralan na ang bagay na ito, kung saan makikinabang ang Pilipinas.

“They have several also companies that are studying of course conventional nuclear energy and even modular nuclear energy, so it is important for us to keep also the Chinese investors’ interest in this particular area,” ang pahayag ng Kalihim. Kris Jose