Chinese kulong sa kidnapping, droga sa Pasay

Chinese kulong sa kidnapping, droga sa Pasay

December 8, 2021 @ 2:42 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nasakote at naaresto ng mga operatiba ng Intelligence Section at IDMS Investigators ng Pasay City Police Station ang isang Chinese national habang tangkang ilipat ng hideout ang kanyang kidnap victim Lunes ng gabi sa Shore Residence, Sunrise Drive Mall of Asia, Pasay City.

Nauna rito isang Wang Chen Yang, 28 anyos na kaibigan at kapwa Chinese National, na residente ng Unit 224 Shell Residence Tower C, Pasay City; at kaibigan ng kidnap victim na si Liu Kun ang nagsumbong sa Intelligence Section at IDMS Investigators ng Pasay CPS hinggil sa kidnapping dakong 9:00 ng umaga ng Disyembre 6, 2021 sa harap ng Shell Residence, Sunrise Drive Pasay City.

Sa salaysay ng reportee ng kidnapping, sinabing dinala ang biktima sa Shore residence at hiningian ng ransom money ng suspek na si Gao Lei, isa ring Chinese National, at residente sa Unit No.520 Shore Residence Tower C1, Barangay 76, Pasay City.

Tinawagan umano ng biktima ang kaibigan upang magpadala ng pera, pero sa halip na magpadala ng pera ang reportee, direktang nagtungo siya dakong 9:00 ng gabi sa Tanggapan ng IDMS at nagsumbong.

Agad na nasikilos ang mga operatiba ng IDMS at Intelligence at nagtungo sa lugar ng kidnapping.

Pagdating sa lugar, nakilala ng reportee ang sasakyan ng suspek na si Gao kaya hinarang ng mga pulis.

Nang pababain ng mga pulis si Gao , nakita sa loob ng sasakyan na nakatali ng packaging tape ang mga kamay ng biktimang si Liu Kun.

Dinala ng mga pulis sa Police Headquarter ang suspek na si Gao at sa pagbaba ay nadiskubre sa sasakyan ang kadudadudang pakete na nang rekisahin ay droga .

Nakuha sa suspek ang  1 glass tube na may shabu residue at 5 piraso ng drug capsule

Nahaharap ngayon si Gao sa mga kasong kidnap for ransom at paglabag sa RA 9165  o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dave Baluyot