Chinese mafia sa agri smuggling ilalantad ng Kamara

Chinese mafia sa agri smuggling ilalantad ng Kamara

January 1, 2023 @ 10:49 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – May pasabog sa pagbabalik ng sesyon sa Kongreso ngayong 2023 ang House Committee on Ways and Means.

Ito ay makaraang ipangako ng Komite ang paglalantad sa itinuturong Chinese mafia na nasa likod ng agricultural smuggling sa bansa.

Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng nasabing Komite, mayroon na silang “Class A” information ng mga Chinese nationals at kasabway nito na nagkokontrol sa smuggling activity ng mga agricultural products sa bansa, mula sa pagbiyahe, pagkuha ng import permit at sanitary inspection.

“Intelligence sources tell us that the main characters are Chinese, or their associates…The tentacles are all over, but I am told that it is a small group, so if we can get to the core group, we should be able to pin the system down,” pahayag ni Salceda.

“Based on initial reports, it seems that they took stronger hold of our processes starting 2018, during a period of high food inflation. Rice tariffication helped undercut their control significantly in the rice trade sector. But with high non-tariff barriers in other areas, specially in the issuance of sanitary and phytosanitary import clearances and other administrative requirements, the system is susceptible to abuse and capture,” paliwanag pa niya.

Ipinunto rin ni Salceda na karamihan sa mga smuggled goods ay mula China kabilang na mga nasabat na sibuyas sa Alabang noong Nobyembre at brocolli at carrots sa Divisoria noong Abril.

Mananawagan rin umano ang House tax panel sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palakasin ang Sub-Task Group on Economic Intelligence (STG-EI), grupo na kinabibilangan ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs (BOC), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), upang mas paigtingin pa ang mga operasyon ng mga ito.

Bubusisiin rin ng Komite, ani Salceda, ang mga sangkot mula sa pinakapuno nito hanggang sa pinakamababa.

“They have people in the ships, the ports, the inspections, the quarantines, the warehouses, and the economic zones. It’s very pervasive,” aniya.

“We are studying how process and rules changes can fight agricultural smuggling. That’s part of our policymaking function. But we hope to pin down the agri-smuggling mafia so that we can close the opportunities for their ways,” dagdag pa ng mambabatas. RNT/JGC