Chinese national arestado sa kidnapping, serious illegal detention

Chinese national arestado sa kidnapping, serious illegal detention

July 19, 2022 @ 2:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa loob mismo ng Pasay City Jail inaresto ang isang 48-anyos na Chinese national matapos isilbi ang kanyang warrant dahil sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention.

Kinilala ang akusado na si Zhong Hang na may alyas na Lucas Tan Anita, may asawa, negosyante at nakatira sa Legacy Village BF Homes Parañaque.

Sa ulat ni PLt.Col Salvador Tangdol, Commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9 , isinilbi ang warrant of arrest laban kay Hang loob ng Pasay City Jail, s F.B. Harrison Street, Pasay City kahapon.

Alinsunod na rin ito sa mahigpit na direktiba ni P/Brirlg. General Leo “Paco” Francisco, District Director ng MPD, na patuloy na sugpuin ang mga wanted sa batas at kriminalidad sa lungsod.

Pinangunahan ni PMajor Salvador Iñigo Jr , ng Intelligence Branch at ni PCapt.Henry Navarro ng Station Warrant Section, ang nagtungo sa nasabing kulungan.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Elmer Joseph R. Guerzon, ng Regional Trial Court, Branch 114, Pasay City .

Samantala, sa naaresto rin sa Kamuning Police Station 10 ang Top 2 most wanted sa Station Level sa Maynila si Joey Ramos Y Santiago, 28-anyos, may asawa ng Unit 502 Anne Francis Condominium sa Sandejas St. Barangay 729 , Malate.

May kaso naman itong Customs Modernization and Tariff Act .Inisyu ni Presiding Judge Vladimir
Berla Serohijos Daral, ng Metropolitan Trial Court Branch 165, Pasay City ang kanyang warrant. Jocelyn Tabangcura-Domenden