Chinese national na miyembro ng mafia, inaresto ng BI

Chinese national na miyembro ng mafia, inaresto ng BI

December 15, 2022 @ 7:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipinahayag ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na nasa kustodiya nila ang isang Chinese national na pinaghihinalaang miyembro ng mafia.

Kinilala ng BI ang Chinese national na si Andy Cheng, 38, na inaresto ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU). Si Chang na maraming aliases ay itinuro din na suspek sa isang torture videos ng illegal online gaming.

Naunang inaresto ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) Regional Field Unit National Capital Region (RFU-NCR) nitong Disyembre 7 sa Alabang, Muntinlupa City pero nakapag-piyansa ito makaraan ng anim na araw.

“Our operatives immediately arrested him after learning that he was about to post bail, as he is also wanted by the BI for violating immigration laws,” ayon kay Tansingco.

Iniulat ng BI na si Cheng ay sumailalim sa isang plastic surgery upang hindi ito makilala ng awtoridad habang ilang armas at pekeng mga ID ang narekober sa kanya. Nagkunwari din itong Filipino at naging undesirable alien.

“His continued stay here in the country poses a threat to Filipinos and foreign nationals working here,” ayon kay Tansingco. “We will not allow him to continue his illegal activities that sow fear among foreigners in the Philippines,”dagdag pa nito. JAY Reyes