Chinese national na MWP sa droga, tiklo!

Chinese national na MWP sa droga, tiklo!

November 29, 2022 @ 3:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Arestado ang isang Chinese national na lampas dalawang taon nang pinaghahanap dahil sa pagdadala ng iligal na droga sa Malabon City.

Sinakote nitong Nobyembre 29 si Christopher Ong y Capelo, 27, binata, ng C4 Road, Barangay Tañong, ng lungsod.

Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant na inisyu ni Hon. Catherine Therese M. Tagle-Salvador noong Hulyo 2020.

Halagang P200,000 ang inirekomendang piyansa ng Korte para sa pansamantalang kalayaan ni Ong. Merly Iral