Cristy, rumesbak kay Willie!

February 9, 2023 @12:55 PM
Views: 4
Manila, Philippines – Hindi man tinukoy ni Willie Revillame ang ilang pinaringgang personalidad sa kanyang mahabang litanya sa programa niyang Wowowin ay isa roon ang pumiyok.
Cristy Fermin took to her radio program Cristy Ferminute on Radyo Singko her reaction to Willie’s backlash.
Isa kasi si Cristy sa laman ng blind item ni Willie na malapit sa kanya na niregaluhan niya ng condo unit sa Wil Tower at brandnew na sasakyan pero tinawag daw siyang mayabang.
Dagdag pa ni Willie, pinaunlakan din niya ang pabor ng taong ‘yon na tulungan ang ilang mga reporter noong panahon ng pandemya, na binigyan naman ng TV host ng sampung libong piso kada buwan.
Ayon kay Cristy, tumawag daw siya kay Willie para tanungin kung napanood daw ba nito ang February 6 and February 7 episodes ng kanyang radio program.
Depensa ni Cristy, sa kabuuan kasi ng show ay hindi niya siniraan si Willie.
Inamin ni Willie na hindi niya mismo napanood ang mga nasabing episode.
Palagay ni Cristy ay nasulsulan si Willie ng mga taong nakapalibot sa kanya na takot magutom kapag wala na ang mga ito sa kanya.
Inisa-isa ni Cristy ang mga bagay na isinusumbat sa kanya ni Willie.
Pagdating sa condo unit, sumumpa si Cristy na minsan lang daw niya itong napuntahan.
Mangyaring tanungin daw ni Willie ang guwardiya ng Wil Tower.
Sa isyung pamimigay naman ng tulong sa mga reporter, dumepensa si Cristy sa pagsasabing panahon ‘yon ng pandemya, kung kailan nangangailangan ng tulong ang mga ito.
Ipinamukha ni Cristy kay Willie na huwag na lang tumulong kung isusumbat din lang niya ito pagdating ng panahon.
Ang mga reporter ding ‘yon din naman ang takbuhan ni Willie para ipagtanggol siya.
On the car issue, iginiit ni Cristy na katas ‘yon ng pinagtrabahuhan niya sa halip na pera ang hingin niyang kapalit.
Inuudyukan nga raw ni Boss Vic del Rosario ng Viva si Cristy na dapat ay nangongomisyon ito ng 20% sa mga tulong na ipinagkaloob nito kay Willie.
Naging instrumento kasi si Cristy kung bakit nakapasok si Willie sa TV5.
Bilang pagtanaw ng utang na loob, pinamili raw ni Willie si Cristy kung ano ang gusto nito: pera o kotse.
Pinagmatigasan ni Cristy na kapwa sila ni Willie ang walang utang na loob na dapat tanawin sa isa’t isa, “Nagkatulungan tayo. Wala akong utang na loob sa iyo, wala ka ring utang na loob sa akin.”
Cristy reiterated that it was not her intention to discredit Willie kung kaya’t nagsasalita siya sa kanyang programa.
Aniya, “Gusto kong malaman mo, Willie Revillame, ang kaibahan ng pagmamahal at pagmamalasakit.”
Bago raw nagtapos ang pag-uusap nila sa telepono’y tinanong ni Willie si Cristy, “Mahal mo pa rin ba ako?”
Basta ang paniniyak ni Cristy sa kanya, hindi siya ang tipong nang-iiwan ng taong mahal niya.
“Ngayon ko pa ba naman iiwan si Willie sa ganoong sitwasyon? Kailangan niya ngayon ng kausap dahil tuliro siya.”
Binanggit din ni Cristy kung bakit walang kaalam-alam si Willie sa mga nagaganap sa AllTV.
Ayon naman daw kay Willie, walang kumakausap sa kanya.
Ilang beses na raw siyang tumatawag sa mga kinauukulan pero wala siyang makausap para maliwanagan siya. Ronnie Carrasco III
Engineer at pamangkin, pinagbabaril patay

February 9, 2023 @12:40 PM
Views: 13
LEMERY, Batangas- INAALAM na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa pamamaril-patay sa magtiyuhin matapos silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa harap ng kanilang bahay, iniulat kahapon sa bayang ito.
Kinilala ang mga nasawi na sina Frederick Casalme, 46-anyos, project engineer at pamangkin nitong si Kingjay Casalme, 32, kapwa ng Barangay Mayasang, Lemery, Batangas.
Sa paunang report ng Lemery Municipal Police Station, bandang 9:10 PM ng maganap ang krimen sa tapat ng bahay ni Frederick sa naturang lugar.
Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, sakay ang mga biktima ng SUV na minamaneho ni Kingjay at pagdating sa tapat ng kanilang bahay biglang sumulpot ang suspek.
Dito, pinagbabaril ang magtiyuhin na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na agad ikinasawi ni Frederick habang nadala pa sa ospital si Kingjay subalit nalagutan rin ito ng hininga.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan sa suspek at tunay na motibo sa krimen./Mary Anne Sapico
P6.9M shabu nakuha sa ex-con

February 9, 2023 @12:27 PM
Views: 14
NEGROS ORIENTAL –BALIK-selda ang isang tulak ng illegal na droga makaraan mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Negros Oriental.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Fernando Saga, 54-anyos n Sitio Canday-ong, Barangay Calindagan, Negros Oriental.
Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Negros Oriental, dakong 10:50 PM ng madakip ang suspek sa naturang lugar.
Nakuha sa suspek 4 na pakete ng shabu na may bigat na 1,015 gramo na may estimated street value na P6.9M, buy-bust money, cellphone at iba pang personal na gamit.
Ayon sa pulisya, nakakapagbenta si Saga ng higit sa isang kilo ng shabu sa loob ng isang linggo na kadalasan ay nagmumula sa Cebu.
Si Saga ay mula sa Purok Orchids, Canday-ong at naaresto noong 2012 sa paglabag sa Sec. 5, Article II of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act at nakalabas ito noong 2016 sa pamamagitan ng plea bargain.
Muli ngayong nahaharap sa kaparehong kaso ang suspek./Mary Anne Sapico
Maglive-in partner kulong sa P1.7M shabu

February 9, 2023 @12:15 PM
Views: 17
CAPIZ –KULUNGAN ang kinabagsakan ng tatlong hinihinalang tulak ng droga kabilang ang maglive-in partner makaraan madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation kahapon sa Roxas City.
Kinilala ni Maj. Leomindo S. Tayopon, unit chief of the Capiz Police Provincial Drug Enforcement Unit (CPPDEU), ang mga suspek na sina Dennis E. Benitez, 48, ng Barangay Lawa-an at kinakasama nitong si Jurelyn D. Besa, ng Barangay Culajao, ng nasabing lungsod.
Batay sa report ng Roxas City Component City Police Station, Miyerkules ng umaga nadakip ang suspek sa Barangay Banica in Roxas City, Capiz.
Ayon sa pulisya, nakabili ang operatiba ang hinihinalang shabu sa halagang P20,000 habang nakuha pa sa mga suspek ang 16 na pakete ng shabu na may bigat na higit sa 250 gramo.
Nakuha rin sa mga suspek ang timbangan, cellphone at sling bag.
Sinabi ng pulisya, na si Benitez ay nadakip noong 2014 at nakalabas ng kulungan 2021 sa pamamagitan ng plea bargaining habang si Besa ay drug user at kapwa nasa high-value individuals.
Samantala, sa Barangay Taal, Molo Iloilo City, naaresto rin ang isang suspek na si Jordan Alba, 44, ng Barangay Bakhaw, Mandurriao ng lungsod at nasa listahan ng PNP drug watch list.
Nakuha kay Alba ang P95,000.00 halaga ng shabu.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek./Mary Anne Sapico
Pebrero 13 sa P’que idineklarang special non-working holiday ng Malacañang

February 9, 2023 @12:04 PM
Views: 17