Chinese national tiklo sa buy-bust

Chinese national tiklo sa buy-bust

January 23, 2023 @ 10:00 AM 5 days ago


ANGELES CITY, Pampanga- Naaresto ang isang 41-anyos na Chinese National na itinuturing na high-value individual was sa anti-illegal drug operation sa lugar nitong Linggo.

Isinagawa ang anti-illegal drug operation ng mga operatiba ng Angeles City Police sa Brgy. Balibago, Angeles City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Angpin Hu @Intsik, isang Chinese national, at kasalukuyang nanunuluyan sa Gogo Hotel, Pulung Maragul sa lungsod.

Nahulihan siya ng apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang 15 gramo ng shabu.

Ayon sa raiders, tinatayang nasa P102,000 ang halaga ng iligal na droga. Nakumpiska rins a kanya ang marked P1,000 bill.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ani Police Regional Office Region 3 Director Brigadier General Cesar Pasiwen. RNT/SA