Chinese nationals na binakunahan kontra COVID sa Pasay mga permanent resident – DOH

Chinese nationals na binakunahan kontra COVID sa Pasay mga permanent resident – DOH

May 30, 2021 @ 10:55 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Mga permanenteng residente sa bansa ang mga Chinese nationals na binakunahan kontra coronavirus disease (COVID-19) sa Pasay City ayon sa Deperment of Health.

“Nung ating nakapanayam ang ating officials from this local government, sila naman po ang nakapagsaad na itong mga binakunahan are permanent residents, although they are foreign national but they have permanent residency here in the country,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

‘”Yan naman po ay naisaad na sa isang IATF resolution na sinasabi na kung ikaw ay permanent resident dito, bagamat ikaw ay foreigner, you will not be treated differently from among Filipino nationals,” paliwanag ng opisyal.

Aniya ito ay upang makontrol ang pagkalat ng sakit sa mga banyaga sa bansa.

“Ibig sabihin dito ka nakatira, kailangan bakunahan ka namin kasi ikaw ay makakasalimuha rin ng mga Pilipino. So ito pong nangyari dito sa Pasay noong isang araw ay nabigyan na po natin ng clarity na ayon sa protocols ng ating gobyerno,” saad nito.

Ito ay sa ilalim ng DOH memorandum No. 2021-0157 kung saan “It is further clarified that all Filipinos including overseas Filipino workers, and other groups with legal residency status in the Philippines (i.e. foreign nationals, diplomats) shall be included in the priority group appropriate to their circumstance.”

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Pasay City, ang mga Chinese nationals na binakunahan ay mga senior citizen at mga may comorbidities na nasa priority list ng vaccination program ng gobyerno. RNT/ELM