Chinese nat’l himas rehas sa pagtutulak ng droga



Chinese nat’l himas rehas sa pagtutulak ng droga

June 10, 2021 @ 6:23 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

CAGAYAN – Himas rehas ang isang Chinese national matapos mahuli sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa Centro, Sta. Ana, Cagayan.

Tinukoy ang suspek na si Lijun  Cao alyas Kevin, negosyante si tubong Guangzu, China  at  pansamantalang  naninirahan  sa  Barangay Visitacion, Sta. Ana dito sa nabanggit na probinsya.

Nagbenta  ang  suspek  sa  pulis  na nagsilbing  poseur  buyer  ng  anim na  piraso  ng  heat sealed na  naglalaman  ng shabu  kapalit  ang   halagang  2,400  pesos.

Kasunod ng pagkasamsam sa naturang operasyon  ang  kabuuang  33   piraso  ng  heat sealed sachet  na  naglalaman  ng shabu  na   tumitimbang  ng  halos limang  gramo  at   may  tinatayang  DDB  Value  na  Php 34, 000.00, isang android phone  at  isang  kulay  puting  SUV  na  gamit  nito  sa  pag-iikot  sa  Sta. Ana  at  mga  karatig  lugar hanggang sa  bayan  ng Aparri para sa kanyang mga parokyano.

Nahaharap sa kasong paglabag sa  article  2  section 5 at 11 ng R.A. 9165  o Comprehensive  Drugs Act  of  2002 ang naturang banyaga.

Samantala, maraming mga chinese national pa rin ang pansamantala naninirahan dito sa Sta. Ana kung saan ay minamanmanan ng mga otoridad ang kanilang ibang gawain dahil may mga impormasyon na labas pasok sila sa naturang lugar. (REY VELASCO)


  •  
  •  
  •