Chinese nat’l tiklo; 3 kalahi nasagip sa kidnap



Chinese nat’l tiklo; 3 kalahi nasagip sa kidnap

June 10, 2021 @ 6:49 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Arestado ang isang Chinese national habang nasagip naman ng mga awtoridad ang tatlo pang kababayan nito na kanilang kinidnap at iliga na ikinulong habang nakatali sa loob ng isang bahay sa Makati City.

Bukod sa naarestong suspek na si Jun Chen, 28, lalaki habang tinutugis din ang kasabwat nito na si Wen Zhongyang, 22; at apat pang hindi nakilalang kapwa Chinese national.

Kinilala naman ang mga nasagip na pawang mga Chinese national din na sina  Zhen Xiao, 24, club cook sa Subic at nanunuluyan sa  unit 29 no.30 Humility, Multi National Village, Moonwalk Parañaque City;  Gao Feng, 29, lalaki, nakatira sa Seqouia Hotel, Pasay City at isang nakilalang LinLin,37, babae, POGO employee at nakatira sa bahagi ng Pasig City.

Si Lin Lin ay sugatan ng masagip kaya kinailangang ma-confine sa Ospital ng Maynila.

Sa ulat ng MPD, nakatanggap  ng tawag ang Dagonoy PCP sa 911 kaugnay sa isang indibidwal ba naka-posas na humihingi ng tulong.

Nang rumesponde ang mga awtoridad, namataan ang biktimang si Xiao na naglalakad sa kahabaan ng  Opalo st., Sta Ana Maynila.

Agad dinala sa PS-6 ang biktima para sa documentation bago sinamahan sa  GAI-MPD para sa imbestigasyon at nagsagawa ng follow-up operation sa 9270 Dita Street, Makati City.

Sa ginawang inspeksyon at sa tulong ng  Brgy San Antonio , isang  concern citizen ang lumapit sa mga operatiba kung saan mayroon umanong isang Chinese national na  tumalon sa katabing bahay.

Dito na nakita ang suspek na si Chen na sugatan na positibo namang kinilala ni Xiao na isa sa  kumidnap  sa kanya sa Pasay.

Nang mabuksan naman ang bahay na pag-aari ni Emmanuel Sylvestre, tumambad sa mga operatiba ang  isa pang lalaki at babaeng Chinese national sa ika-apat na palapag na nakatali o nakagapos sa kama kahapon .

Ang suspek na si Chen ay dinala rin sa nasabing pagamutan dahil sa tinamong sugat matapos itong tumalon sa katabing bahay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang madakip ang iba pang sangkot sa kidnapping at serious illegal detencion sa mga biktima. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •