Chinese nat’ls dawit sa pinakamalalaking drug busts sa 2021 – PDEA

Chinese nat’ls dawit sa pinakamalalaking drug busts sa 2021 – PDEA

January 13, 2022 @ 8:34 AM 7 months ago


MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency na sangkot ang mga Chinese national sa kalahati ng 10 pinakamalalaking anti-narcotics operations noong 2021.

Base sa datos ng PDEA, limang operasyon ang kinasangkutan ng 13 Chinese national na suspek, sa bilang na ito, siyam ang napatay sa police operations.

Sa pinakamalaking drug bust na nasawata ng PDEA nitong 2021, sangkot din ang Chinese national kung saan nasamsam sa kanila ang P5.8 billion halaga ng iligal na droga.

Sa sampung pinakamalaking drug bust ng PDEA, nasa P9 billion halaga ng iligal na droga ang nasabat.

Sa anunsyo ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año nitong Disyembre, nakarekober ang Pilipinas ng P74 billion halaga ng iligal na droga kung saan naareto ang 319,000 drug suspects sa drug ng gobyerno mula Hulyo 1, 2016, panahon ng pagluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte, hanggang nitong Nobyembre 30, 2021.

Higit 6,200 drug suspects ang nasawing drug suspect sa nasabi ring panahon. RNT