Chinese vessel malapit sa Pag-asa Island, walang tugon sa babala ng PCG

Chinese vessel malapit sa Pag-asa Island, walang tugon sa babala ng PCG

March 7, 2023 @ 4:24 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi umano tumutugon ang Chinese militia vessels na namataan malapit sa Pag-asa Island ayon sa tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG).

Una nang sinabi ng PCG na naka-station na ang mga Filipino coast guard sa isla kung saan iniulat na may presenya ng People’s Liberation Army (PLA) Navy vessel, China Coast Guard (CCG) vessel 5203 at 42 hinihinalang Chinese maritime militia (CMM) vessels.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa public briefing, patuloy aniyang hinahamon ng coast guard station ng bansa sa pamamagitan ng radyo ang Chinese vessels at sinasabi na ang 12 nautical miles ng Pag-asa Island ay territorial Sea ng Pilipinas.

Sa kabila nito, hindi pa rin aniyang tumutugon ang Chinese vessels sa tawag ng PCG personnel at nanatili pa rin sila sa nasabing isla.

Naghain na ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China hinggil sa isyu. Jocelyn Tabangcura-Domenden