Chiz, bida sa biruan sa senado!

Chiz, bida sa biruan sa senado!

February 2, 2023 @ 11:45 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Namayani ang katuwaan sa dapat sana’y seryosong pagbubukas ng Senate Session 45 nitong February 1, Miyerkules.

Sa halip kasi na magsimula ito sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga batas ay nagsalita muna si Senator Grace Poe.

Nagpasintabi muna si Poe kay Senate President Migz Zubiri.

Anito, sa ngalan daw ng bawat mambabatas ay nais nilang iwelkam ang kasamahan at seatmate na si Chiz.

In a long time daw ay ngayon lang ulii nasilayan ang ngiti sa mukha ni Chiz.

Sinusugan naman ito ni Zubiri na ‘yun daw ang dahilan kung bakit nila sinuspindi ang session.

Hirit naman ni Senator Joel Villanueva, “We heart Chiz,” replacing the word love with the name of Chiz’s wife.

Nag-second the motion naman si Senator Loren Legarda, taking notice of Chiz’s aura.

Sa bandang huli, nagsalita muli si Poe, “If there’s any lesson we learn from this is that love is worth fighting for.”

Nakapagtatakang walang “ambag” sa biruan ang mga senador na galing mismo sa larangan ng showbiz, gayong ang mga ito dapat ang updated sa mga kaganapan sa entertainment world.

Matatandaang August 2022 nang lumikha ng ingay ang pagtanggal ni Heart ng married name niyang Escudero sa mga social media accounts niya.

Buwan din ng Agosto nang mapansin ng mga netizens na hindi na suot ni Heart ang kanilang wedding ring.

The whole time ay hindi nagsalita si Heart tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ni Chiz.

Instead ang nababalitaan tungkol kay Heart ay ang mga pagbiyahe niya sa Milan, Italy at Paris, France to fulfill her faahion-related work.

Nitong nagdaang Pasko, tinotoo ni Heart ang pangako to see her husband.

Bagong Taon nang muling magkasama ang couple sa mga biyahe nila sa Paris at Japan. Ronnie Carrasco III