Choco Mucho babawi sa susunod na conference

Choco Mucho babawi sa susunod na conference

November 23, 2022 @ 5:22 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasama ang pagiging malusog ng kanilang mga manlalaro sa mga pangunahing priyoridad ng Choco Mucho sa kanilang pagnanais na muling magpalakas matapos mabigong makapasok sa semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Bigo ang Choco Mucho na masungkit ang semis berth sa laban kontra Cignal HD noong Martes sa apat na sets 17-25, 25-22, 25-18, 25-14.

“Siyempre, mabigat. Talaga, siyempre, talo eh. Kumbaga, sobrang bigat ng atmosphere sa loob ng dugout,” pag-amin ni Choco Mucho coach Edjet Mabbayad

“Makikita mo, talagang gusto nilang manalo during that game. Pero talagang nangyari ang mangyayari eh,” dagdag pa nito.JC