Chop-chop body sa Jamboree nadiskubre

Chop-chop body sa Jamboree nadiskubre

January 12, 2021 @ 8:06 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

LAGUNA – Nahaharap ngayon sa malaking palaisipan ang Los Banos Police kaugnay ng natagpuang pira-pirasong katawan at ulo ng isang hindi kilalang lalaki sa Jamboree Site sa Barangay Batong Malake sa nasabing bayan.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na may tattoo sa likod na Chinese character.

Natagpuan ang chop-chop body, bandang 8:46 kaninang umaga nina Rolando Natanauan at Joppy  Agus, habang nakasilid sa tatlong  kulay itim na plastic bag na nababalutan ng duck tape.

Umaasa ang pulisya na madaling matutukoy ang pagkakakilanlan ng biktima dahil maging ang pinugot na ulo niya ay iniwan sa plastic bag.

Naniniwala ang mga imbestigador na sa ibang lugar pinatay ang lalaki at itinapon lang ang pinira-prasong katawan sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng Los Banos Police para malaman ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen. Ellen Apostol


  •  
  •  
  •  

Loading...