Chop-chop na katawan iniwan sa daan

Chop-chop na katawan iniwan sa daan

March 18, 2022 @ 7:00 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Natagpuan ang pinagtsa-chop-chop na katawan at ulo ng isang tao sa Zigzag Road sa Don Mariano Ave. Brgy. San Jose, sa Rodriguez, Rizal nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Rodriguez Municipal Police Station mula sa personnel ng COMPAC 2 na nag-ulat sa insidente.

Mabilis na umaksyon ang pulisya at tinungo ang binanggit na lugar kung saan natagpuan ang pinagputul-putol na katawan ng tao na nakasilid sa apat na itim na garbage bag.

Patuloy  ang imbestigasyon ng awtoridad habang inaalam pa kung saan itinapon ang ilang bahagi ng katawan ng biktima.

Wala pa ring nagrereport sa police station ng nawawalang kaanak. Dave Baluyot