Chot may napipisil ng players na isasabak sa FIBA World Cup

Chot may napipisil ng players na isasabak sa FIBA World Cup

August 3, 2022 @ 3:07 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Gilas Pilpinas coach Chot Reyes na may napipisil na siyang mga manlalaro na pwede niyang kuhanin upang isasabak FIBA World Cup sa susunod na taon.

Ayon kay Reyes, inilatag na niya sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang mga potensiyal na mga magagaling manlalaro mula sa PBA, UAAP at NCAA.

Sinabi pa ni Reyes na iiiscreen nila ang mga manlalaro upang matiyak ang kahandaan nito sa pagsabak sa mga international tournament.

Nilinaw naman ng SBP na tiniyak sa kanila ng UAAP at NCAA ang kahandaan sakaling may mapili silang manlalaro na isasali sa Gilas Pilipinas.

Gaganapin ang FIBA World Cup sa Pilipinas, Japan at Indonesia.JC