Chot naghahanda na sa FIBA World Cup

Chot naghahanda na sa FIBA World Cup

August 1, 2022 @ 1:47 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipepresenta na ni  Gilas coach Chot Reyes sa mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang konkretong plano para sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa FIBA ​​World Cup sa susunod na taon.,

Ilalatag ni Chot sa SBP project director ang kanyang plano at aksyon sa sa gaganaping FIBA World Cup kung saan co-host ang bansa kasama ang Indonesia at Japan.

Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios na pakikinggan ng basketball stakeholders ng bansa ang plano ni Reyes para sa national team.

“Ire-report ni Coach Chot Reyes sa (SBP) board ang kanyang mga plano (para sa Gilas),” ani Barrios.

Inaasahang dadalo sa pulong sa PLDT meeting sina SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan, president Al S. Panlilio, at iba pang miyembro ng board.JC