Chot napikon sa referee ng PBA

Chot napikon sa referee ng PBA

October 6, 2022 @ 12:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Agad na nilayasan ni TNT coach Chot Reyes ang a Smart-Araneta Coliseum matapos mapahiya ang  kanyang koponan kontra sa naglalarong walang import na  Magnolia Hotshots nitong Miyerkules ng gabi.

Galit na galit si Reyes na humarap sa mga referee at opisyal ng liga kasunod ng 94-92 panalo ng Magnolia laban sa TNT kung saan nasungkit ng Hotshots ang dalawang free throw ni Paul Lee.

Narinig si Reyes na nagsasabing “walang tumama,” na halatang tinutukoy ang foul na tinawag ng mga referees kay Calvin Oftana na nagpahatid kay Lee sa foul line para sa marginal points.

Pagkaraan, isang nagngangalit na Reyes ang narinig din na sumisigaw  at nagmumurang sa hallway bago umalis ng venue.

Ito ay isang nakakadismaya na pagtatapos para sa TNT, na lumaban sa likod ng import na sina Cam Oliver at RR Pogoy sa kabila ng pagkawala ng ilang pangunahing manlalaro dahil sa mga pinsala.

Si Jayson Castro, Mikey Williams, Glenn Khobuntin, Brian Heruela, at Raul Soyud ay hindi naglaro dahil sa mga pinsala, habang si Poy Erram ay wala dahil sa isang larong suspensiyon na kanyang na-serve para sa kanyang ejection sa Game Seven ng Philippine Cup finals noong Setyembre .

Nanguna pa rin ang TNT ng aabot sa 13 puntos, 60-47. Bagama’t nasayang ang pangunguna, nasa posisyon pa rin ng TNT na dalhin ang laro sa overtime matapos na umiskor si Oliver sa tip-in may 26.4 segundo ang nalalabi.

Sumabog ang TNT bench bilang protesta matapos tawagan ng foul ang Oftana sa umaatakeng si Lee, at muli sa last-ditch offensive na nagtatampok kay Kib Montalbo at Pogoy.JC