CHR ‘di sinali sa ikinasang initial drug war review

CHR ‘di sinali sa ikinasang initial drug war review

January 13, 2021 @ 11:03 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR), Miyerkoles, na hindi sila isinama sa isinagawang inisyal na rebyu sa gyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Contrary to the commitments that were made during the last [United Nations] Human Rights Council that the commission will play an important role in this high-level review panel, we have not been involved despite the fact that we wrote already 4 times and our letters were left unanswered,” ani CHR commissioner Karen Gomez-Dumpit told ANC.

Nasorpresa umano ang ahensya nang isinumite sa Pangulo ang “first initial report” kung saan hindi sila nakasali o nasangguni man lang dito.

Hindi pa naman naisasapubliko ang nasabing report.

“We were quite surprised about it because we’re expecting to be part of it from the beginning,” dagdag pa ni Dumpit.

Bilang isang independyenteng ahensya, ani Dumpit na makapagbibigay sana sila ng “fresh eyes” sa report at nakapagprisenta rin sana sila ng mga ebidensyang nakalap nila mismo.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Dumpit sa posibleng white wash sa drug war review na aniya ay “done under the shadow.”

“Publicize that report or at least share it to the commission so that the victims and their families can get access to those information that they need so they could pursue justice for the victims,” aniya.

Nito lamang Lunes nang ihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakumpleto na ang kanilang parsyal na rebyu sa drug war na kumitil sa higit 5,000 buhay.

 “The initial report dated 29 Dec 2020 has just been submitted to the Office of the President. Let’s give him time to pore over it,” anang SOJ.

Dugtong ni Guevarra na hihingi sila ng tulong sa CHR.

 “We intend to engage with the CHR in this endeavor. As I said, the initial report is only a partial one. Our efforts have been severely hampered by current restrictions on mobility and physical access to records. Much collaborative work remains to be done,” ayon pa kay Guevarra. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...