NOONG mga nakaraang linggo ay naisulat ko rito sa aking kolum ang problemang kinakaharap ng mga residente ng Sitio Quarry sa Brgy. Bancod sa Indang, Cavite na ano mang araw ay maaaring ma-demolish ang mga tahanan.
Hindi sila mga squatter dahil nabili nila ang mga lupa na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan.=
Lumapit ang Cahafi Sitio Quarry Homeowners Association, Inc. sa katuhan nina Rosaly Malacad at Celestina Suan sa Commission on Human Rights upang idulog ang kanilang mga hinaing at karapatan.
Kaagad namang tumugon ang CHR at lumiham noong June 30, 2022 si Atty. Rexford D. Guevarra na Regional Director ng CHR-IV-A kay Judge Lerio C. Castigador ng Regional Trial Court Branch 15 sa Naic, Cavite na may hawak ng kaso.
Isa sa mahalagang isinasaad ng liham ang pagprotekta sa karapatang pantao ng mga residente ng Cahafi Sitio Quarry Homeowners Association , Inc. kagaya ng;
This office, pursuant to the constitutional mandate of Commission on Human Rights to “request assistance of any department, bureau, office or agency in the performance of its actions” hereby seeks assistance from this Honorable Court to take the appropriate measures to protect the rights and interest of the clients.
We anticipate your usual cooperation and equal concern for the promotion of the human rights of all persons especially the disadvantaged, marginalized and vulnerable.
Ngayon ay nananawagan na ang mga residente ng tulong sa pamahalaan, sa mga lingkod-bayan at sa simbahan na sila ay bigyang-pansin.
Hari nawang magkaroon ng maayos na win-win solution sa problemang ito pabor sa magkabilang panig sa tulong ng ating pamahalaan.