CHR: Implementasyon ng dagdag-benepisyo para sa single parents paspasan

CHR: Implementasyon ng dagdag-benepisyo para sa single parents paspasan

October 20, 2022 @ 6:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Huwebes na pairalin na ang batas na nagpapalawig sa benepisyo ng single parents upang suportahan sila sa gitna ng “challenging times.”

 Ito ang inihayag ng CHR matapos lagdaan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents’ Welfare Act, noong Setyembre 29.

“The commission is hopeful of the swift implementation of the law to address the pressing needs of solo parents during this period of economic hardship that heavily impacts them,” pahayag ng CHR.

“We also expect readiness, efficiency, and transparency from the Department of Social Welfare and Development (DSWD), its partner agencies, local governments, and the business sector in providing enhanced social services, benefits, and discounts entitled to all Filipino solo parents to truly improve their plight,” dagdag nito.

Sa ilalim ng batas, bibigyan ng P1,000 monthly cash subsidy ang isang solo parent na kumikita ng minimum wage o mas mababa pa.

Magbibigay din ito ng 10 porsyentong diskwento sa ilang gamot para sa low-income solo parents na may anak na anim na taon pababa, gagawing praypridad sa low-cost housing, PhilHealth coverage, workforce, apprenticeships, livelihood training, reintegration programs para sa Overseas Filipino Workers, employment information/matching services, educational scholarships, at iba pang anti-poverty initiatives ng pamahalaan. 

Gayundin, sa bagong batas, matatanggap ng solo parents ang mga benepisyong ito hanggang sumapit sa edad na 22 ang kanilang anak.

“The CHR anticipates that the holistic services and benefits for solo parents will respond to their unique needs and help mitigate the compounding challenges that beset them, especially during the current challenging times,” sabi ng komisyon.

“[I]nvesting in them will also help ensure the well-being and proper development of their children and give them [an] equal opportunity to succeed in life,” patuloy nito. RNT/SA