CHR kay PBBM: PH media alagaan

CHR kay PBBM: PH media alagaan

September 23, 2022 @ 4:54 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang Commission on Human Rights kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutukan at ingatan ang mga alagad ng media mula sa atake at banta ng karahasan.

Ito ay inihayag ng kawanian ilang araw makalipas ang pagpatay sa isang radio broadcaster sa Negros Oriental na si Renato Blanco.

Kung babalikan, sa ulat ay sinaksak ng isang magsasaka si Blanco, anchorman ng himpilang Power 102.1 na idineklarang patay makaraang isugod sa ospital.

“The Commission decries this incident and notes the swift response of the Police Regional Office 7 in arresting the suspect. We call for speedy justice on this case and other rights violations and attacks against members of the press,” ani CHR Executive Director Jacqueline Ann de Guia sa isang statement.

“CHR stresses the undeniable role of media in helping citizens receive accurate and timely information crucial to the realization of rights of every Filipino. Attacks against a free press impacts the human rights situation in the country,” dagdag pa niya.

Nagpahayag ng pag-asa ang CHR na nawa ay agarang maresolba ang mga pagpatay at kaso ng human rights violation laban sa mga alagad ng midya. RNT/JGC