CHR naalarma sa tumataas na kaso ng VAWC

CHR naalarma sa tumataas na kaso ng VAWC

March 17, 2023 @ 3:23 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naaalarma ang Commission on Human Rights (CHR) sa dumaraming kaso ng karahasan laban sa mga kababaihan at mga bata.

“As the country’s independent national human rights institution, the CHR expresses grave alarm over the string of [incidents] of violence among civilians, especially concerning vulnerable sectors. We specifically note four separate cases reported only this 9 to 13 March 2023 targeting women and children,” pahayag ng CHR.

Kamakailan lamang ay natagpuang patay ang isang 67-year-old na babae sa Norzagaray, Bulacan sa isang liblib na lugar matapos na bugbugin at isilid sa karton ng mismong anak nito.

Nasaksihan ito ng anim na taong gulang na apo ng biktima, ayon pa sa CHR, batay sa ulat ng National Bureau of Investigation.

Dagdag pa rito ay ang kaso ng pagpatay kay Kimberly Achas, 22-taong gulang, kung saan sa CCTV video na kumalat online ay pinagsusuntok at sinaksak ng suspek ang biktima hanggang mamatay.

Tinangka pang tumakas ng live-in partner nito na si Elson Jamisola na agad din na naaresto at ngayon ay nahaharap na sa kasong parricide.

Kinokondena rin ng CHR ang panggagahasa sa 13-taong gulang na estudyante ng mismong lolo nito.

Batay sa report, ikinanta ng biktima sa guro nito na mula nang siya ay 9 na taong gulang pa lamang ay ginagahasa na ito ng lolo.

Maliban dito, naiulat din ang insidente kung saan pinagsasaksak hanggang sa mamatay ang apat na bata ng stepfather ng mga ito, na kalaunan ay nagpakamatay din.

Nagsasagawa na ng independent motu proprio investigation ang CHR kaugnay sa mga kasong ito.

Nanawagan naman ang CHR sa pamahalaan na kondenahin ang mga insidenteng ito at nanawagan “to reject the normalisation of violence against women and work towards building a nation where violence is not the norm but an exception that is swiftly and effectively dealt with.”

Ipinaalala din ng komisyon sa pamahalaan na mahigpit na sundin ang United Nations (UN) Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women at UN Convention on the Rights of the Child.

“The Commission underscores that the government must take proactive measures to address the root causes of violence such as poverty, inequality, and social exclusion, alongside ensuring justice for all victims of human rights abuse and violations and effective support to victims and survivors, as a crucial component of fulfilling its human rights obligations,” ayon pa sa CHR. RNT/JGC