CHR nababahala sa ‘censorship’ ng websites, pagpapasara ng SEC sa Rappler

CHR nababahala sa ‘censorship’ ng websites, pagpapasara ng SEC sa Rappler

June 30, 2022 @ 6:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) nitong Huwebes hinggil sa censorship at inihayag nag “grave concern” ukol sa mga naging desisyon na i-block  ang ilang website at bawiin ang setipikasyon ng news organization na Rappler.

“We caution against censorship or any move similar to it, which harms press freedom and results in a chilling effect that attempts to deter free speech and liberty of association under a democracy,” pahayag ng komisyon, na tinutukoy ang desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC)na i-block ang website ng progressive groups at news organizations na inaakusahan ni outgoing National Security Advisor Hermogenes Esperon Jr. na may kaugnayan sa “communist-terrorists,” at sa pagbawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa certificates of incorporation ng Rappler.

Binigyang-diin ng komisyon ang kahalagahan ng right to information, free speech, at expression ng mga indibidwal at iginiit na hangga’t hindi lumalabag sa batas ang paggamit nito ng isang indibidwal “any form of curtailment is undue and unjust.”

“Democracy thrives on the free exchange of ideas, including dissent and opposing opinions, that allows everyone to participate in shaping laws and policies for the general welfare of the people,” sabi ng CHR.

Dahil dito, umapela ang CHR sa pamahalaan na igalang at protektahan ang karapatang-pantao alinsunod sa Konstitusyon at sa international human rights standards.

“Silencing criticism and dissent only detracts from our shared goal of nation-building,” ayon sa komisyon.

“We reiterate that under a democracy the goal is to balance the respect, promotion, and fulfilment of the rights of all. Let us take part in healthy and responsive discourse with citizens across diverse sectors, as the right to truth—like the ostensible mission of journalism—must always be rooted in accountability, integrity, and objectivity,” dagdag nito. RNT/SA